Ginang nawawala

DUMULOG ngayon sa Manila police District–General Assignment Section ang isang recruitment agency matapos na magreklamo ang mister ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang tanggapan na ito ay nawawala.

Ayon kay Annabelle Santillan, secretary ng Angle Management Service Inc.,hindi nila malaman kung nasaan na ang biktimang si Normalyn Malabago, 35, tubong Davao,matapos nitong umalis ng agency noong Setyembre 20 ng madaling araw para magtungo umano sa isang kamag-anak saMakati.

Ayon pa kay Santillan, nagtungo umano ang mister ni Normalyn sa kanilang agency sa Davao dahil  hindi umano ipinaalam sa kanya na nakaalis na ang kanyang misis patungong Kuwait bilang domestic helper.

“Dumating siya sa agency namin sa Davao at nagrereklamo sa aming manager don,sinabi namin na umalis ang kanyang misis sa aming agency noong Setyembre 20 at hindi na bumalik,hindi rin ito natuloy sumakay sa kanyang plight noong Setyembre 22, papuntang Kuwait, ayon kay Santillan.

Nabatid na isang aplikante rin ng nasabing agency ang sinabihan ni Normalyn na may kukunin itong pera sa Makati at pupunta sa isang kamag-anak sa Pangasinan para magpagamot.

Noong Setyembre 21, tinawagan umano nila ang ginang sa cellphone nito para ipaala ang kanyang flight at ang kanyang pregnancy test result, ngunit pinatayan sila ng cellphone at hindi na muling natawagan pa.

Sa ngayon ay hindi mabatid kung nasaan ang kinaroroonan ni Normalyn.

Itinanggi rin ng mister nito na may kamag-anak sila sa Pangasinan at sa Makati.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply