GMA, ayaw nang pag-usapan ang kaso

NAKIUSAP na diumano si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kaniyang mga kaalyado sa Kamara na huwag ng pag-usapan pa ang kaniyang kaso.

Sa press conference ng Minorya, sinabi ni Minority Leader Danilo Suarez na “nakiusap siya na huwag ng pag-usapan ang kaso niya.’

Kasabay nito ay nanawagan sina Suarez at Siquijor Rep. Orlando Fua na sana’y panatilihin na lamang sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) ang dating pangulo dahil sa taglay nitong karamdaman.

Magiging madali rin umano para sa isang maysakit na katulad ni GMA maging sa kaniyang seguridad kung pananatilihin itong naka-hospital arrest.

Umapela rin ang minority leader na sana ay mabigyan ng pagkakataon si GMA na makapagpagamot dahil malaking tulong ito sa pagganap ng kaniyang tungkulin bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Sa panig naman ni Fua ay iginiit niyang dapat ng bigyan si GMA ng “special treatment” hindi dahil sa kaniyang pagiging dating pangulo kungdi dahil sa kalagayan nito bilang maysakit.

“She really deserves a special treatment because of her physical condition,” ani Fua.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply