GMA, humarap na sa arraignment sa Sandiganbayan

HUMARAP na sa Sandiganbayan si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pagbasa ng sakdal kaugnay ng isinampang plunder case.

Isang oras bago ang itinakdang arraignment ni Pampanga Rep. Gloria
Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan ay dumating na ito ng maaga dakong
alas-7:30 nitong umaga

Sakay si Mrs. Arroyo ng coaster mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) patungo ng Sandiganbayan at kasabay na dumating sa Sandiganbayan si dating PCSO chairman Sergio Valencia at dating PCSO assistant manager for finance Benigno Aguas na kapwa akusado sa plunder case.

Samantala, maraming mga pro at anti-protester ang maaga ring nagtipon-tipon sa labas ng Sandiganbayan.

Una rito sinabi ni Atty. Raul Lambino, ang legal spokesman ng dating pangulo, habang hinihintay nila ang resolusyon ng Supreme Court sa inihain nilang petition for certiorari, kailangan umanong sumunod ng dating pangulo sa court proceedings.

Sa panig ng Sandiganbayan, sinabi ni spokesperson Renato Bocar na hangga’t wala umanong temporary restraining order (TRO) ang SC sa arraignment sa kaso ng dating pangulo, tuloy ang arraignment kay Mrs. Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply