GMA maaaring makalabas sa ospital bukas – doktor

INIHAYAG ngayong hapon ng director ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na si Dr. Nona Legaspi na posibleng makalabas na sa ospital si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Legaspi, unti-unting bumubuti ang kondisyon ng dating Presidente ngunit nilinaw na depende pa rin ito sa resulta ng eksaminasyon na isasagawa dito lalo na sa potassium level nito na aniya ay nasa “below normal” na 0.3.

Iniinda rin aniya ng dating Pangulo ang pananakit ng leeg nito na maaari namang gamutin sa pamamagitan ng therapy kahit out patient na ang kongresista.

Tuloy din aniya ang regular checkup ng dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply