GMA makaaalis sa VMMC sa Nobyembre 1

PINAYAGAN na ng Sandiganbayan na mamakalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay sa Nobyembre 1 bilang tugon sa kahilingan ng kampo ni ng dating Pangulo na madalaw ang puntod ng kaniyang ina sa Libingan ng mga Bayani.

Ipinauubaya naman ng Sandiganbayan sa Philippine National Police ang seguridad ni Ginang Arroyo.

Batay sa desisyon ng Sandiganbayan, aalis ang dating Pangulo sa VMMC ng alas 8:00 ng umaga at babalik din pagkatapos mabisita ang kanyang ina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply