GMA naghain na ng certificate of candidacy

NAGHAIN na ng certificate of candidacy (COC) si dating pangulo at  Pampanga Rep. Gloria Arryo para muling tumakbo sa kanyang distrito, ang ikalawang distrito ng Pampanga.

Pasado alas 3 ng hapon kanina nang dumating sa lokal Comelec ng San Fernando, Pampanga ang kanyang anak na si Ang Galing Party list Rep. Mikey Arroyo dala ang COC ng kanyang ina.

Si Mikey ay sinalubong ng isang banda ng musiko habang kasama ang may 40 mga konsehal at kanilang supporters.

Matapos ang paghahain ng COC ay nagpasalamat si Mikey sa kanilang mga supporters dahil sa naging mainit na pagtanggap ng mga ito  sa muling pagtakbong kongresista ng kanyang ina.

Sinabi pa ni Mikey na hanggang ngayon ay hindi nila alam kung sino ang tatapat sa kaniyang ina.

Ayon naman kay Elena Bautista- Horn, tagapagsalita ni Arroyo, pinayuhan ang dating pangulo ng kanyang doktor na huwag nang bumiyahe  dahil sa kondisyon nito kaya si Mikey na lang ang pinagdala ng COC ng kanyang ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply