GMA nasa Sandiganbayan na

NASA SANDIGANBAYAN na ang dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo para basahan ng sakdal sa kasong plunder kaugnay sa umano’y kwestyunableng paggugol sa intelligence fund ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO).

Pasado alas 7:00 ngayong umaga nang umalis sa Veterans Memorial Medical Center ang puting coaster ni CGMA kasama ang buong miembro ng kaniyang pamilya.

Buong pamilya ng dating pangulo ay kasamang dumadalo ngayon sa arraignment sa Sandiganbayan sa pangunguna ni dating First Gentleman Mike Arroyo, Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo, Camarines Rep. Dato Arroyo at ang bunso na si Luli.

Gaya ng unang inihayag ni Atty. Raul Lambino, kasama ni CGMA ang kaniyang mga abogado na sina Atty. Topacio at Atty. Anacleto Diaz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply