GMA suriin, tunay na kalagayan alamin – Fr. Lacal

NANINIWALA si Father Marlon Lacal, executive secretary ng Association of Major Religious Superior of the Philippines for Men na napapanahon na upang isailalim sa “independent medical assessment” na susuri sa tunay na kalagayan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ginawa ni Fr. Lacal ang pahayag para matapos na ang agam-agam ng publiko hinggil sa totoong kondisyon sa kalusugan ng dating Pangulo.

Ayon kay Lacal, sa oras na mapatunayang kritikal o hindi maayos ang kondisyon ng dating Pangulo ay dapat tugunan ang kalusugan nito for humanitarian reason.

“Well tingin ko kailangan siguro ng independent medical team to assist really her situation. Kasi kung totoo naman, I think from the humanitarian point of view kailangan din naman talaga natin pakinggan ang dating Pangulo. Pero in order to be just and fair at para maalis ang agam-agam ng publiko tungkol sa tunay niyang lagay, kailangan talagang i-submit niya ang kanyang sarili to independent medical assessment”.pahayag ni Fr. Lacal sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang tunay na kalagayan ng dating Pangulo ay nagkaroon ng duda matapos na makitang walang suot na brace sa kanyang leeg habang naglalakd sa Veterans Memorial Medical Center kung saan ito naka-ospital arrest.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply