Gobyerno umaasang makakamit ang kapayapaan sa Mindanao

UMAASA ang pamahalaan na makakamit na ang tunay na kapayapaan sa Mindanao dahil sa malaki tiwalang ibinigay ng mga miyembro ng Moro Islami Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Government Peace Negotiating Panel Chief Dean Marvic Leonen na makalipas ang napakahabang panahon ay sa wakas nagkaayos din ang panig ng gobyerno at MILF.

Nilinaw ni Leonen, ang napagkasunduang framework ay magiging kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga MILF kundi sa buong bansa.

Tiniyak ni Leonen na dumaan sa masusing konsultasyon ang lalagdaang framework agreement ng gobyerno at MILF.

Ayon kay Leonen, kumunsulta sa publiko at sa iba’t ibang sektor ang magkabilang grupo bago naupo at nagkasundo.

Samantala, sinabi ni Leonen na dadaan pa sa proseso tulad ng plebisito ang kabuuang framework bago ito tuluyang maisakatuparan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply