Gold sa BSP, iimbestigahan ng Kamara

ISANG congressional inquiry ang hiniling ng isang mambabatas dahil sa pagliit ng bilang ng gold na  nabibili ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay Rep. Angelo Palmones (Party-list, Agham) ang kanyang House Resolution 2747 para sa nasabing imbestigasyon na isasagawa ng House Committees on Economic Affairs and Natural Resources ay naglalayong malaman ang kadalihanan  ng  pagliit  ng  nabibili ng   BSP  sa loob ng  anim na  buwan  sa  taong  kasalukuyan na umaabot na lamang sa 786 kilograms kumpara sa 15,003 kilograms ng mga nagdaang taon.

“Gold was considered a top foreign exchange earner since 2005 and reported to have generated unprecedented earnings of $1,674.1 billion or P73,450.8 billion in 2010,”  ani Palmone.

Sinabi ni Palmones na taliwas sa report ng National Statistics Coordinating Board na pinakamarami ang gold reserves sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa kung saan ay matatagpuan ang pinakamaraming reserve ng  gold ang Region 12 na tinatayang  may t 2,189 billion metric tons, samantalang  matatagpuan  naman ang pinakamataas na kalidad ng gold reserve sa Region 8 na may average na 11.4 gm Au/mt.

“In addition to being a precious metal used in jewelry, gold is used for money, stored in value and which volume in reserve is equated to economic fluidity and stability,” Palmones said.

Sinabi ni Palmones ang nabibili ng BSP mula sa iba’t-ibang small scale producers ay 17,389 kilograms ng  gold na may  halagang P34,128,944,965.

Ayon kay  Palmones, may nasabi umano si  Secretary Ramon Paje ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR)  ang dahilan ng pagbulusok ng dami ng nabibiling gold ng BSP ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gold ng mga dumaraming bilang ng mga small-scal  mining  areas  na  isang klarong  indikasyon na napupunta na lamang sa mga  black market at smuggling activities.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply