Golden Stags pinaamo ang Red Lions

SINELYOHAN ng last year’s runner San Sebastian College Stags ang pangalawang twice-to-beat incentive matapos nilang kaldagin ang defending champion San Beda College Red Lions, 69-55 sa 88th season ng NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan kagabi.

Unang nakakuha ng insentibo ang Red Lions dahil nakalaagwa sila sa team standings at kahit natalo sila sa Golden Stags ay sila pa rin ang nasa top spot sagpang ang 15-3 panalo-talo.

Pinasan muli ni reigning MVP Calvin Abueva ang San Sebastian College ng bumuga ito sa points, rebounds, at assists para ilista ang 13-5 win-loss slate.

Humarabas si PBA 2nd pick, Abueva ng 23 markers, 16 boards at 3 assists upang makumpleto ang stats average niya na 20.1 points, 16.4 rebounds, at 6.5 assists per game sa pagtatapos ng eliminations round.

Sa first period ay nasipa na sa laro si Ronald Pascual kaya kumayod ng todo si Abueva upang biguin ang Letran Knights na nananalanging matalo sila upang makakuha ng tsansa sa nasabing insentibo.

Tatlong 3-pointers ang sinalpak ni Abueva sa payoff period isa duon ang naglayo ng kanilang kalamangan, 58-48.

Tinapos ng host Letran ang kanilang elimination games na 12-6 baraha na puwede sanang maging kapareho nila ng standing ang Stags kung natalo ito sa Red Lions.

Bumakas sa opnesa ng Stags si Ian Sangalang na may 19 markers at 10 rebounds

Makakaharap ng Stags ang Letran sa semifinals habang ang Red Lions ay inaabangan pa kung sino sa Jose Rizal U Heavy Bombers at Perpetual Help Altas ang kokopo sa no. 4 spot.

Sa Huwebes ng alas sais ng gabi ang playoff ng Heavy Bombers at Altas na gaganapin sa nasabing venue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply