Good news sa BOC

PALAGAY natin eh natutuwa ngayon si Pangulong Noynoy Aquino dahil sa kanyang liderato, unti-unting nababago ang Bureau of Customs.

Sa resulta kasi na inilabas ng Social Weather Survey, lumalabas na nasiyahan ang taumbayan sa performance ng BOC.

Ang positibong ulat ng SWS sa ahensiya ay – sigurado tayo – dahil sa maayos na pamumuno ni Commissioner Ruffy Biazon.

Ang style ng pamamahala ni Biazon ang tila nagbunsod sa BOC employees para magtrabaho na nagresulta ng magagandang accomplishments.

Kaliwa’t kanan ba naman ang mga nasasakoteng droga at smuggled goods sa mga pantalan, eh, talagang babalik ang pagtitiwala ng taumbayan sa BOC.

Ang unang matutuwa sa pinaigting na trabaho ng liderato ni Biazon ay ang mga lehitimong mga mangangalakal, maliliit man o malalaki.

Kumbaga, nagkaroon sila ng kumpiyansa sa mga reporma na pinairal ni Biazon – ayon na rin sa isinusulong na ‘Tuwid na Daan’ ng Pangulo.

‘Di lang ang mamamayan at business, kundi pati ang grupong Government Watch ay natutuwa sa nangyayaring ‘changes’ sa BOC.

Bukod sa napakaraming Juan dela Cruz, ang business sector at ang gov’t watch ay natutuwa sa desisyon ni PNoy na manatili si Biazon sa BOC.

Ilang araw pa nga lang ang nakararaan ay nahuli ng mga tauhan ni Biazon ang smuggled onions na nagkakahalaga ng P14 million.
Whewwwwww.

Ang masasabi lang natin eh, keep up the good work.

Babala ni Mar

Nagbabala si bagong talagang DILG Sec. Mar Roxas sa mga bumabaluktot sa batas, pero may magandang balita naman ito sa mga maaayos na pulis.

Sa mga nagpe-perform na alagad na batas, aniya, sila’y mabibigyan ng promosyon, pero ang mga tarantadong pulis, sila’y parurusahan ng batas.

Hamon natin kay Sec. Roxas, gawin niyang sampol ang isang Col. Mendoza at Sgt. Asenas na puro iligal daw ang laman ng utak.

Aba’y ang mga ito raw ay operator at financier ng jueteng diyan sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista, partikular diyan sa Novaliches.

Gen. Melad at Col. Acio

Sec. Mar, silipin mo rin ang pagdedma nina R4A boss Gen. James Melad at Batangas director Col. Rosauro Acio sa operasyon ng STL-bookies.

Bakit, tila walang alam ang 2 opisyal na ito sa operasyon ng STL-bookies nina kap. Noel, Indo at Ineo sa San Jose at kap. Noel at Minda at Press sa Bauan.

Sa San Juan, isang Kap. Nelson ang operator ng STL-con jueteng at sa San Pascual si Nene. Namamayagpag din ang sakla ni Brgy. San Gabriel sa Laurel.

Ano ba yan Gen. Melad at Col. Acio…sir.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply