Gov’t bullying the nation

ANG biggest bully ngayon ay hindi ang mga terror teacher o ang mga batang siga-siga sa school.

O parents na nanunutok ng baril at patalim sa mga estudyanteng kaaway ng kanilang mga anak.

Ang biggest bully ngayon ay ang government mismo.

Correct kayo riyan, mismo!

Thank you sa Congress at puwede nang bulatlatin ang lahat ng laman ng iyong computer, twitter man o facebook.  Maski simpleng e-mail lamang, babasahin na ng gobyerno.

Aalamin, sa pamamagitan ni Justice Secretary Leila de Lima kung ang laman ng iyong computer ay may mga sina-sabing masama sa iyong kapwa at higit sa lahat sa gobyerno mismo. Mismo, mga bff.

Dati ay mayroong privacy of communication, pero dahil sa bagong cyber law, wala na ang privacy na yan. Kaya mabuti pa, magbalik ka na lang sa post office at after three days, harinawa, ay mase-send mo na ang iyong text
message o pictures.

Huwag kang magte-text ng confidential o anomang comment for or against your friends, enemies and government.

Babantayan din ‘yan ng Department of Transportation and Communication.

Kung hindi ka susunod sa bagong batas na ito, kalaboso ka. Kulong ka!

Ang sabi ng iba, mas mabuti na sa diyaryo, radio o telebisyon mo na lang ilathala ang iyong saloobin o balita dahil sa dating mass media,  mababa lang ang parusa sa libel. Hindi katulad ng sa social media.

Babala sa mga sosyal: Dehins po totoo ‘yan. Ang mass media ngayon – diyaryo, TV, radio – ay internet-based na at diyan kayo sasabit, kayong mga mamamahayag!

Paano na kaya ang column ko? Ang mga diyaryo ngayon ay internet-based na rin, kaya sakop ito ng cyber law.

Huwag kang matakot, sabi sa akin ng isang taga gobyerno.
Purihin mo lang nang purihin ang gobyerno at hindi ka makukulong. Purihin mo rin ang mga corrupt na taga gobyerno o kaibigan ng mga taga-gobyerno at hindi ka nila guguluhin.

Pero siyempre, babasahin muna nila ang mga isinulat mo.

Mahirap nang magtiwala, sabi nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply