Granada pinasabog sa Bukidnon

NAGSASAGAWA na ng malawakang imbestigawsyon ang mga awtoridad kaugnay sa inihagis na grandad kagabi sa Central Poblacion, Kalilangan, Bukidnon.

Batay sa imbestigasyon ang granada ay inihagis ng isang hindi nakilalang suspek pasado alas-11:00 ng gabi sa Purok 2, Barangay Central Poblacion, bayan ng Kalilangan, lalawigan ng Bukidnon.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Nilo Madaree sa Bukidnon, inihagis ang granada malapit sa isang motorsiklo na may plakang P-1536-02 na pag-aari ng isang nagngangalang Bani Kinompas, isang magsasaka at residente sa Sitio Dansalang, B-Ninoy Aquino, bayan ng Kalilangan.

Ilang segundo ang nakalipas, sumabog ang granada pero wala namang inuulat na nasugatan maliban lang sa nasirang motorsiklo sa pagsabog.

Sa ngayon inaalam ang motibo sa naturang insidente matapos tumakas ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply