Granada, sumabog sa loob ng vocational school sa Laoag

NAGSASAGAWA ng malalim na imbestigasyon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para alamin ang motibo at madakip ang salarin na nagpasabog ng granada sa loob ng Vocational School compound ng Ilocos Norte National High School sa Laoag City kaninang madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP lumalabas na sumabog ang granada pitong metro mula sa main gate ng paaralan.

Posible umanong ibinato ang granada mula sa labas ng compound bagama’t natagpuan ang safety lever ng granada sa pinangyarihan ng pagsabog.

Dahil sa naturang insidente isang blade ng jealousy window ng tanggapan ng head ng vocational department na si Serafin Damo ang nabasag, habang tinamaan din ng shrapnel ang bintana at bubungan ng guardhouse.

Nabatid sa ulat na nagulat umano ang guwardiyanag si Ernesto Juan nang biglang makarinig ng pagsabog na nasa siyam hanggang 10 metro mula sa kinalalagyan.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy ang motibo at ang mga may gawa sa naturang pagpapasabog.

Nagpapasalamat ang PNP dahil nagkataton na walang pasok ngayon ang mga estudyante at walang nasaktan sa pagsabog

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply