Grupo na tututok sa chikungunya sa Albay ipinadala ng DOH

NAGPADALA na ng composite team ang Department of Health sa Bataan Island, Rapu-Rapu, Albay na tututok sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nadadale ng chikungunya virus.

Ayon sa DOH, tatagal ng ilang linggo ang grupo upang magsagawa ng follow investigation kaugnay ng naitalang mataas na kaso ng naturang sakit na halos kahalitulad ng dengue cases ang sintomas.

Sa record ng DoH-Albay Regional Office, ang Barangay San Ramon ang naitalang may pinakamaraming kaso ng naturang virus na may 80 bilang at 4 dito ang kumpirmadong nagpositibo nang sumailalim sa laboratory analysis.

Nabatid na bagamat hindi naman dapat ikatakot ang naturang sakit ay kailangan pa rin itong tutukan at mabigyan ng sapat na atensyon ng kagawaran ayon sa DOH.

Binubuo ang composite team ng Department of Health Center for Health Development Bico (DoH-CHD), Albay Provincial Health Office, (APHO) at National Epedimiology Center (NEC).

Kaugnay nito, nagsagawa naman ng clean up drive ang local na pamahalaan ng Rapu-Rapu upang hindi na dumami pa ang pinamumugaran ng mga lamok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply