Grupong Courage umapela sa Comelec

HINILING ng grupong Courage sa pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na ikonsidera sila at i-accredit upang makalahok sa 2013 midterm elections.

Nabatid na naghain ng kanilang motion for reconsideration ang grupo na kabilang sa 37 party-list groups na una nang diniskuwalipika ng Comelec upang hindi makalahok sa eleksyon.

Sa kanilang apela, hiniling ng Courage sa pangunguna ni Ferdinand Gaite, pangulo ng grupo na isang government employees organization, na payagan sila ng poll body na makasali sa darating na halalan.

Ayon sa grupo, ang mga government employee ay maituturing na “marginalized” dahil hindi sapat ang kanilang kinikita sa pantustos sa pang-araw-araw na gastusin ng kani-kanilang pamilya.

Dahil dito, nais ni Gaite na may kinatawan ang kanilang partido sa kongreso upang maipaglaban ang mga karapatan ng mga government employee.

Pinasaringan pa nito ang ibang partylist groups na binigyang akreditasyon ng Comelec dahil ang mga kinatawan aniya ng mga ito ay bogus o nagpapanggap lamang na mahirap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply