Grupong kontra bill deposit, dudulog sa SC

MAGPAPASAKLOLO sa korte suprema ang National Association of Electricity Consumers for Reform (NASECORE) sa oras na maipatupad ang bill deposit ng Manila Electric Company (MERALCO).

Ayon kay NASECORE President Pete Ilagan, dapat umiral at dumaan sa tamang proseso  ang anumang dagdag singil ng Meralco sa konsyumer na lalabas sa kanilang mga billing.

Kasabay nito, ikinatuwa naman ng grupo ang hakbang ng Meralco na ipagpaliban muna ang pagsingil sa bill deposit.

Mararamdaman ng mga customer ng MERALCO ang mas mataas na singil ng kuryente sa ilalabas nilang electric bill ngayong Oktubre.

Ayon sa MERALCO, ito ay dahil sa pagtaas ng generation cost na aabot sa 14.19-sentimo kada kilowatt-hour.

Nangangahulugan na ang mga bahay o gusali na kumukunsumo ng 100-kilowatt–hour kada buwan ay madadagan ng singil na aabot sa P14.19.

Pero halos hindi naman umano mararamdaman ito dahil sa limang sentimo kada kilowatt-hour na ibabawas sa distribution, metering at supply charges ng mga customer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply