Grupong Magdalo, suportado ang Team Rama sa Cebu City

HAYAGANG nagpakita ng suporta ang lokal na grupo ng Magdalo sa partido ng Team Rama sa lungsod ng Cebu.

Wala pa mang pormal na kasunduan ang Magdalo group at Team Rama ay sinabi ng dating opisyal ng Magdalo na si Ashley Acedillo na patuloy pa ang pag-uusap nila ni Mayor Michael Rama para sa kooperasyon sa dalawng grupo.

Ayon kay Acedillo magpapatuloy ang kooperasyon magkakapit-bisig ang dalawang grupo hanggang sa susunod na halalan.

Nilinaw ni Acedillo na sinusuportahan ng kanilang grupo ang mga programa ni Rama magmula nang ito’y maupo sa kanyang pwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply