Guidelines sa detainee voters, inilabas ng Comelec

IPINAGPAPASALAMAT ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang ginawang promulgasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga guidelines para matulungan ang mga bilanggo na makaboto sa 2013 national elections.

Ayon kay CBCP- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care executive secretary Mr. Rodolfo Diamante, napagbigyan ang kanilang adbokasiya para makaboto ang mga bilanggo prisoner sa darating na halalan.

Ani Diamante, inaprubahan na ng Comelec ang Resolution No. 9371 na nagsasaad na ang detainee voter na nasa hustong gulang at nananatili sa loob ng detention centers ng may anim na buwan bago ang 2013 elections ay maaaring maghain ng kanilang voter applications sa pamamagitan ng satellite registration.

“The resolution provides for candidates to campaign inside detention facilities and as of October 15, there are about 24,706 prisoners who are registered to vote on the 2013 election,” ani Diamante.

Nabatid na ang mga registration centers ay ilalagay sa loob ng mga detention centers at mga jails at pamamahalaan ng mga election officers sa lungsod o bayan kung saan matatagpuan ang bilangguan.

Ang mga rehistradong botante naman noong 2010 national polls ay maaari ring mag-update ng kanilang impormasyon sakaling mailipat ito ng jail facility.

Maglalagay ng special polling places sa mga detention centers o jail na may 50 registered detainee voters at pamamahalaan ng Special Board of Election Inspectors (SBEI).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply