Guidelines sa voters registration inilabas

NAGPALABAS ang Commission on Elections (Comelec) ng guidelines para sa huling araw ng voter’s registration sa MIyerkules, Oktubre 31.

Sa isang pahinang resolusyon, sinabi ng Comelec na kapag umabot na sa 3:00 ng hapon ng Oktubre 31, at mayroon pang mga taong nakapila para magparehistro sa loob ng 30 meter radius mula sa tanggapan ng Comelec ay dapat na ilista ang kanilang mga pangalan.

Ang mga makakasama sa listahan ay tatawagin ng tatlong beses, at kung wala roon ang aplikante ay hindi na siya papayagan pang magparehistro, magpa-transfer o magpa-reactivate ng kanilang rehistrasyon.

Nanindigan naman ang Comelec na hindi na nila papalawigin pa ang deadline nang pagpaparehistro.

Sa halip, istriktong ipatutupad ang deadline ng hanggang 5:00 lamang hapon ng Oktubre 31.

Samantala, bilang sagot naman sa apela ng Kabataan party-list sa poll body na palawigin ang pagpaparehistro, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ang iginigiit nilang argumento na desisyon ng Korte Suprema noon ay epektibo noon pang 2010 at ang pagpapareshitro ngayon ay para sa 2013 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply