Gun ban sa Cebu ipatutupad sa Nob. 30

IPATUTUPAD ang gun ban ng pamunuan ng Philippine National Police sa Cebu sa Nobyembre 30,kaugnay sa nakatakdang National Day of Thanksgiving para sa kanonisasyon ni Beato Pedro Calungsod.

Sinabi ni Central Visayas Police Head Chief Supt. Marcelo Garbo na makikipag-ugnayan din sila sa militar para sa ipatutupad na seguridad sa buong lalawigan ng Cebu.

Inaasahan, aniyang, dadagsa ang mga tao sa Cebu, kabilang ang mga nasa labas ng bansa para makilahok sa pagdiriwang.

Ngayong alas 9:30 ng umaga, oras sa Vatican, ay ang kanonisasyon ni Calungsod.

Itinuturing naman ng Palasyo na national pride hindi lamang para sa mga Katolikong Pilipino, kundi maging sa lahat ng kumikilala sa Pilipinas bilang tahanan ni Blessed Pedro Calungsod.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang gagawing selebrasyon ngayon sa Vatican ay araw para sa ispiritwal na kaligayahan para sa lahat.

Maliban kina Vice President Jejomar Binay at Energy Sec. Jose Almendras, sasaksi na rin ang mga senior prelates ng Philippine Catholic Hierarchy at mga pilgrim mula sa Pilipinas.

Samantala, pagkatapos ng canonization rites ngayon, magsasagawa ng libreng religious concert sa lungsod ng Ginatilan na pangungunahan ng Saint Joseph Chorale na galing pa sa Mabolo, Cebu City.

Bukod dito, magsasagawa ng isang bonggang fireworks display at susundan ng fluvial procession.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply