Guro arestado sa drug bust ng PDEA

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 40 anyos na elementary teacher sa isinagawang buy-bust operation sa Nueva Vizcaya.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang suspek na si Giovani Adzuara,  Purok 2, Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya,

Naaresto si Adzuara makaraan iabot nito ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang 4.389 grams sa isang PDEA agent na nagpanggap buyer.

Batay sa impormasyon ng PDEA, ang suspek ay nagtuturo bilang guro sa Abinganan Elementary School, at Bambang.

Nakipagkasundo ang suspek para magbenta ng droga sa PDEA undercover agent at makipagkita sa National Highway, Purok 3, Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Makaraan ang transaksyon sinakote ng awtoridad ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2) na pinanguhan ni Director Juvenal Azurin at ng Naval Intelligence Service Group (NISG).

Nakuha ng awtoridad sa pagiingat ni Adzuara ang isang unit ng mobile phone, isang  Starex Van na may plakang WDE-138 at markadong salapi na ginamit sa transaksyon.

Sa kasalukuyan, si Adzuara ay nasa kostodiya ng Bambang Police Station at nahaharap sa kasong paglabag Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165, o  Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002 before the Provincial Prosecutor’s Office sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply