GUSALI PARA SA MGA KABATAANG NANGANGAILANGAN

PINANGUNAHAN ni Mayor Del De Guzman (gitna) kasama sina Vice Mayor Jose Fabian Cadiz (kaliwa) at panauhing pandangal na si Interior and Local Government-National Capital Region Director Renato Brion (kanan) ang ground-breaking ceremony ng itatayong apat na palapag na gusali para sa Children Conflict with the Law (CICL) sa Social Action Center, Brgy. Sta. Elena ngayong araw. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng mas maayos at sapat na pasilidad para matugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataan at iba pang mga residenteng nangangailangan ng pagkalinga at tulong. Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng naturang gusali matapos ang anim na buwan.

PINANGUNAHAN ni Mayor Del De Guzman ang isinagawang ground-breaking ceremony ng itatayong gusaling gagamitin ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang tugunan ang mga pangangailangan ng Children in Conflict with the Law (CICL) at iba pang nangangailangan ng kalinga.

Ginanap sa Social Action Center, Brgy. Sta. Elena, ang seremonya ay dinaluhan nina Department of Interior and Local Government-National Capital Region Director Renato Brion, Department of Social Welfare and Development Undersecretary Parisya Taradji, at mga lokal na opisyal ng Marikina.

Sa pamamagitan ng mga pasilidad ng itatayong apat na palapag na CICL Building, matutugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga CICL at mga residenteng nangangailangan ng pagkalinga tulad ng mga matandang walang tirahan, mga mentally -challenged, at mga abandonadong bata. Ilan sa mga pasilidad ay covered court, mga silid-lugan, kasilyas, silid-aralan para sa mga proyektong pangkabuhayan, at marami pang iba.

“Malaking tulong ang idudulot sa mga kababayan nating nangangailangan ng pagkalinga kapag naging ganap na ang operasyon ng gusaling ito. Hindi na nila kailangang magpakalat-kalat sa daan sapagkat magkakaroon sila ng masisilungan habang pinaghihilom ang sugat na likha ng kanilang nakaraan,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang pondong gagamitin sa pagpapatayo ng CICL Building ay mula sa cash incentive na natanggap ng  Marikina nang mapanalunan nito ang Good House Keeping Award na mula sa Department of Interior and Local Government. Sa isang linggo ay sisimulan na ang anim na buwang konstruksyon ng gusali.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang inilipat ang CSWDO sa panulukan ng Champagnat at General Ordonez sa Brgy. Marikina Heights. Maaaring makipag-ugnayan sa tanggapang ito sa numero bilang  (02)941-3747.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply