Habambuhay na kulong hatol sa rapist na obrero

HABANGBUHAY na pagkakakulong ang ipinataw na sentensya ng korte laban sa isang construction worker makaraang sapilitan nitong kalawitin hanggang gahasain ang 18 anyos na teenager sa kanilang barracks sa Commonwealth Avenue may apat na taon na ang nakalilipas  .

Sa pitong pahinang desisyon na inilabas ni Judge Alexander Balut ng Quezon City Regional Trial Court Branch 76 , walang makitang dahilan ang korte para gumawa ng kuwento ang biktimang si Jaquilyn Socorro at akusahan ng panggagahasa ang akusadong si Gilbert Amargo sa krimen.

Ayon pa sa hukom, ang determinasyon, aniya, ng biktima na magsumbong sa pulis at humingi ng hustisya ay sapat ng batayan para akusahan ng panghahalay ang akusado sa nakakahiyang sitwasyon at eskandalo sa kanyang buhay .

Depensa naman ni Amargo sa korte, kusang loob aniyang ibinigay ni Socorro (biktima ) ang kanyang sarili sa kanya at hindi niya pinilit dahil wala namang komosyong nangyari dahil kung nagkataon magigising ang kanyang mga kasamahang natutulog ng mga sandaling iyon ngunit ibinasura naman ng korte ang depensa niya.

Iginiit pa ni Amargo na hndi niya ginahasa ang biktima dahil maliwang aniya noon ang kanilang barracks at madali silang makikita bagamat nandoroon ang mga kasamahan niya pero mga tulog ng mga oras na iyon.

Sa testimonya naman ng biktima, sinabi nito na 18 anyos siya noon ng mangyari ang insidente .

Aniya, kagagaling lamang niya sa isang party noong January 5, 2008 party sa kanilang bahay sa No. 916 Pook Ricarte, UP Diliman Campus.

Habang patungo sana sya sa bahay ng isang kaibigan sa Tandang Sora ay nakaramdam siya ng pagkahilo hanggang sa magpahinga muna siya pansumandali sa harapan ng Metrobank sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa compound ng Iglesia ni Cristo nang sapilitan umano siyang hatakin ng suspek papasok sa loob ng construction site.

Anang biktima pinahiga umano siya ng suspek sa isang plywood bago siya hinubaran ng kanyang shorts at panty bago ipinasok ng suspek ang kanyang ari sa kaselanan ng biktima sa kabila ng kanyang pagpupumiglas .

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply