Hacienda Luisita, ipamamahagi sa 2013 – DAR

TINIYAK ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Senado na maipapamahagi ang 4,000 ektaryang Hacienda Luisita bago sumapit ang 2013 senatorial elections.

Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Agrarian Reform Secretary Virgilio Delos Reyes, bago matapos ang Oktubre ay ilalabas na nila ang preliminary masterlist ng mga farmer-beneficiaries ng nasabing sugar plantation.

Ayon sa kalihim, bibigyan nila ng dalawa hanggang tatlong buwan ang mga Luisita Farmers na hindi mapapabilang sa listahan para ipaliwanag kung bakit sila kailangang mapasama sa land distributions.

Kumpiyansa si Delos Reyes na maabot ng DAR ang kanilang deadline sa Mayo at maipapamahagi ang lupa bago maghalalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply