Hackers pinatutugis ng DOJ sa NBI

MAHIGPIT ang atas ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na tugisin na ang mga nangha-hack ng mga website ng gobyerno.

Napag-alaman na 14 na website na ng gobyerno ang naiulat na na-hack kasabay ng unang araw ng Cybercrime Law kahapon.

Naglabas na ng Standing Directive si Justice Secretary Leila de Lima sa NBI para tugisin ang mga nasa likod ng pananabotahe ng mga government website.

Samantala, ipinahayag ni De Lima na nirerespeto niya ang mga nagsasagawa ng protesta laban sa cybercrime law.

Gayunman, umapela si De Lima sa mga tumututol sa cybercrime law na bago bumatikos ay mabuting pag-aralan muna ang buong nilalaman ng kontrobersyal na batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply