Hacking sa gov’t websites, iimbestigahan ng Senado

MAGHAHAIN ng resolusyon si Sen. Alan Peter Cayetano sa Lunes upang imbestigahan ang panghihimasok o hacking sa ilang government websites bilang protesta ng tinaguriang “hacktivists” bilang protesta laban sa Anti-Cybercrime Prevention Act.

Sa ginanap na press conference matapos maghain ng Certificate of Candidacy (CoC) nitong Biyernes, sinabi ni Cayetano na kailangan magkaroon ng imbestigasyon upang matukoy kung paano nakapasok ang hacker sa government sites.

“Ang nakikita ko dyan. In fact, I wanted an investigation kung bakit ang baba ng  ating security ng ating government websites. Talaga naman meron magagaling ng hackers but ganun na ba kasimple yun to attack on our country? ganun kadali na i-hack ang sites mo?,” aniya.

Aniya, kailangan maipaliwanag ng partikular na ahensiya ng gobyerno kung bakit nakapasok sa kani-kanilang site ang mga simpleng hackers na pinaniniwalaang mga kabataan lamang na may talino at galing sa pagkalikot ng mga websites upang makapasok sa government website nang ganoong kadali.

Sinabi pa ni Cayetano na ipatatawag sa imbestigasyon ang mga hepe ng mga government sites kabilang ang mga eksperto sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang institusiyon upang magbigay linaw sa inilalagay ng security measures sa government sites.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply