Hadlang sa relasyon, amo kinatay ng magdyowa

MGA saksak sa tiyan ang kumitil sa buhay ng isang lola makaraang katayin ng lalaking kanyang inayawan na makipagkita sa kanyang kasambahay na nobya ng suspek sa General Santos City.

Patay na nang maabutan ng awtoridad ang biktima na si Carmen Gabato, 62, ng Sta. Teresita village, Barangay San Isidro nasabing lungsod.

Itinuro namang suspek si Jeffy Utanyes, 21, tubong Palembang, Sultan Kudarat, nobyo ng kasambahay ng biktima na si Perci Lumindog, 19, ng Davao del Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagalit si Utanye nang hindi payagan ng matanda ang kasambahay na si Lumindog na makipagkita sa kanya.

Dahil dito, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima at pinagsasaksak ang matanda.

Sa presinto, umamin naman si Utanyes na ang katipan na si Lumindog ang naghasa sa kutsilyong kanyang ginamit sa pagpatay sa biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply