Hair stylist naaagnas na nang matagpuan

DAHIL sa mabahong amoy ay nadiskubre ang naaagnas nang bangkay ng isang hair stylist na nakabigti sa kanyang sa Valenzuela City kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Fred Leviste, nasa hustong gulang ng Unit 3921 Super Bull compound., Juan Reyes St., Karuhatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, nakalanghap ng mabahong amoy ang mga tao sa kalapit na unit ng biktima na naging dahilan upang tuntunin ang pinanggagalingan nito.

Nang matapat sa unit ng biktima ay lalong tumapang ang amoy na naging dahilan upang katukin nila ito subalit walang sumasagot.

Kinuha ng may-ari na si Teodoro Santos ang duplicate key ng unit ng biktima at nang mabuksan ay tumambad ang naaagnas nang katawan ng biktima na nakabigti.

Ayon sa kahera ng pinapasukang saloon ng biktima na si Marilyn Fulgencio, dumaing sa kanya ang biktima dahil sa sakit na puso, diabetes at hypertension.

Nabatid na huling pumasok sa kanila ang biktima noong pang Setyembre 24, 2012.

Inaalam na ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply