Hamon kay Gen. Espina at ‘RH Bill’ sa mga elepante

MATAGAL nang tinututulan ng Simbahang Katoliko ang panukalang batas hinggil sa Reproductive Health.

Ang katwiran nila, dapat irespeto ang buhay.

Kahit umano “semilya” pa lang ‘yan ay maituturing ng may sagradong buhay kaya dapat pangalagaan.

Dahil lahat daw ng buhay, mapa-hayop man o tao ay Diyos ang may gawa.

Ganun? Pati elepante?

Eh, bakit itong si Fr. Cristobal Garcia ng Cebu City ay malalaking damulag ang pinakakatay? Elepante, parekoy, in English…elephant!

‘Yan ay sa kabila ng pagbabawal sa buong mundo sa pagkuha ng “ivory” o elephant tusk na ginagamit ng simbahan sa paggawa ng rebulto.

Mas masahol ito, parekoy, dahil hindi lamang sila pumapatay, ang kanilang ginagawa ay bawal rin sa batas ng tao.

At ang mga “ivory” na ito ay ginagawa nilang rebulto na bawal rin sa batas ng Diyos!

Susmaryosep, sandamakmak na bawal itong kanilang ginagawa! Ang masakit, tinuturuan pa ang kanilang tauhan kung paano maging ismagler!!!

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin, parekoy, na dapat, bago manghimasok sa patakaran o trabaho ng pamahalaan ay linisin muna ang  kaniilang sariling  pananampalataya!

Hmmp!

oOo

KAMPANTE si Valenzuela City COP S/Supt. Welben Mayor na hindi siya kayang sibakin ni NPD Dir. Gen. Antonio Decano sa kabila nang napaulat na weekly collection nito sa iligal na sugal.

Kaugnay ito, parekoy, sa idinaldal ng mismong isang pulis na tumatanggap si Col. Mayor weekly mula sa tauhan ni Don Ramon na si Boyet kalabaw at sa “sakla king” na si Toti.Ang dahilan ni Col. Mayor, malakas siya kay Decano at kay Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian!

Ah ganun, ibig mong sabihin Col. Mayor, kahit hinahayaan mo nang maglipana ang iligal na sugal sa Valenzuela ay hindi ka masisibak? NCRPO Chief, Gen. Leonardo Espina, sir, hinahamon po kayo ni Col. Mayor!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply