Hamon ng Ako Bicol Partylist dinedma

BINALEWALA lamang ng Commission on Elections ang hamon ng grupong Ako Bicol na sampahan sila ng reklamo sa House Electoral Tribunal o HRET upang mapatalsik sila bilang mga mambabatas bago pa man matapos ang kanilang termino sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez ang desisyong alisin ang Ako Bikol at 12 pang partylist group ay alisunod kung pumasa sa pamantayan ng komisyon para sa eleksyon 2013 ang naturang mga grupo.

Sinabi pa ni Jimenez na ang halalang 2010 ay walang kinalaman na batayan sa pagkakaupo sa puwesto ng mga kinatawan mula sa grupong Ako Bicol.

Kasabay nito, tiniyak ni Jimenez na masusundan pa ng iba ang mga madidiskuwalipikang partylist organization sa eleksyon sa 2013 habang patuloy ang ginagawang pag-aaral ng Comelec sa inihain nilang mga dokumento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply