Health workers magna carta sinuspinde ng SSS

MISYON AKSYON, sana po matalakay ninyo ang aming kalagayan sa ilalim ng Magna Carta for Public Health Workers.

Kasi po noong June 1, 2012,  nagbaba ang Social Security System ng isang memorandum office order 2012-046 na may lagda ni SSS President and CEO Chairman Emilio De Quiros na nagpuputol o nagsususpinde ng aming benepisyo na medical doctors sa SSS.

Kaya po hindi makatarungan ang kanilang ginawang hakbang sa pagyurak ng nasabing batas o RA 7305 na nilagdaan noong October, 1991. Sa pamamagitan naman ng Local Government Code (RA 7160), binigyan kami ng karagdagang benepisyo na nagkakahalaga ng P 662 milyon sa kapanahunan ni DOH Sec. Juan Flavier.

‘Di po ba  nakawawalang gana at nakawawala ng moralidad sa aming mga medical worker na naglilingkod sa ilalim ng ahensiya ng SSS at mga kababayan natin  na miyembro ng SSS na alisan ng benepisyo na ipinaglaban ng mga unang opisyales ng ating gobyerno? Kung inyo pong pag- aaralan ang lahat ng ating ahensiya, lalo na po sa kapulisan at mga guro, ay nagkaroon sila ng mga kaukulang karagdagan sa benepisyo at taon- taon ay tumataas ang kanilang mga natatanggap na sahod mula sa ating gobyerno sa bisa ng  “Salary Standardization Law.”

Bakit po sa aming hanay na medical workers na nakatalaga sa SSS ay inalisan ng mga benepisyo ni Pangulong PNoy?

Kung ganito po ang pinaiiral na batas at pagtrato sa amin, ‘di po ba hindi makagaganda ang ganitong sistema?

Alam po ba nila na umaabot sa kabuuang 25.5 milyon ang miyembro ng SSS na siyang aming pinaglilingkuran? Kaya hindi po namin maisip kung anong klase ang pinagbatayan nila  para tanggalan kami ng ganitong benepisyo.

Katunayan po, humigit-kumulang sa 157 medical personnel lamang sa buong Pilipinas ang nagseserbisyo sa sampung milyong miyembro na aktibo. Kaya sa bawat branch na may large size o volume na 3 libo hanggang 5 libo pataas ang miyembro at sa branch na may medium size, ay aabot lamang sa 1,500 hanggang 3 libo lamang ang aming naaasistihan sa pag-evaluate sa mga nangangailangan ng serbisyo namin bilang mga doktor.

Ang ilan po namin mga kasamahan ay nagdesisyon nang mangibang bansa para roon sila magserbisyo bilang mga doktor dahil sa ginawa ng pamunuan ng SSS. Kaya nakapanlulumo ang ginawa sa amin ni SSS Pres. Emilio de Quiros.

Naipatupad noon ng mga unang administrasyon, pero ngayon ay pinatigil nila ang pagbibigay ng benepisyo ng Magna Carta at una nilang sinampolan ang  ahensiya ng DOST- PAGASA pero ipinaglaban nila at nabalik. Isinunod naman po nila ang SSS na kung iyong pag-aaralan ay kami lang sa ahensiya ng SSS ang siyang pagkakaitan ng gobyerno, samantalang serbisyo publiko po naman kami.

Tulad po halimbawa ng PNP at PNP retiree na may RA 8551 na may pagtaas ng kanilang sahod at higit sa lahat ay ang mga retiree na  may mga increase pero hindi binabawasan.

Kaya sana po ibalik sa amin ang aming Magna Carta health worker na siya naming hinaing para po hangga’t maaga ay di mawala o mangibang bansa ang mga doctor na siyang naglilingkod ng may puso sa ating mga kababayan.

Lubos na gumagalang,
SSS Concern Doctor

Paging SSS Pres. & CEO Chairman Emelio De Quiros. At Pangulong Benigno “ Noynoy” Aquino III mga sir, ayon po sa mga Doktora at Doktor ng SSS, ang kanilang Magna Carta health worker ay ipinatigil nang magbigay ng memoramdum office Order na may petsa noong June 1,2012 at lagda ni SSS Pres. Emelio De Quiros na pagpapatigil ng kanilang benipesyo kaya nagkaroon sila ng hindi magandang pakiramdam, sa dahilan halos taun-taon na nila itong nakukuha mula ng maipasa ito at sa tulong ng dating Health Sec. Juan Flavier ng DOH. Pero laking panlulumo nang suspindihin ang benepisyo ng ating mga doctor at doktora.  Ang katotohanan, sila ang inaasahan ng mahigit sampung milyon miyembro na kanilang ginagabayan pagdating sa medical na kalagayan.Kaya umaasa po ang Misyon Aksyon sa inyong agarang aksyon sa nasabing problema. Para kay DOH Sec. Ona sir, alam ko na isa kayong action man pagdating sa larangan ng kalusugan.  kaya ang inyong kasamahan sa larangan ng Medesina ay mabigyan ninyo ng katulungan para maresolba ang kanilang hinaing.

KAYA BUKAS PO ANG KAING KOLUM PARA SA INYONG PANIG AT KAPALIWAGAN.

Kay Felson Baltazar PRO ng ACCESS Sir. maraming salamat po.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.

Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234 SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com/tiradabalita@yahoo.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply