Hearing vs reporter inisnab ni Annabelle

IPINAGPALIBAN ang preliminary hearing laban sa kontrobersiyal na talent manager na si Annabelle Rama nang isnabin ang itinakdang pagdinig sa kasong isinampa sa kanya ng showbiz reporter na si Chito Alcid sa Taguig City Prosecutors Office.

Bigo ang abogado ni Rama na makapagsumite ng kanilang counter affidavit kaugnay sa mga kasong attempted murder, grave coercion, slander at grave threat na isinampa ni Alcid kaya’t pansamantalang ipinagpaliban ang pagdinig.

Nag-ugat ang kaso sa nangyaring pagsugod ni Rama kay Alcid habang kapwa sila dumadalo sa burol ng namayapang comedy king na si Dolphy sa Heritage Park sa Taguig City noong Hulyo 13 ng kasalukuyang taon.

Kasama ni Alcid ang kanyang abogadong si Atty. Bryan Bausa nang magtungo sa tanggapan ni Taguig City Assistant Prosecutor Patrick Noel De Dios habang tanging ang abogado lamang ni Rama na si Atty. Ronaldo Caringal ang dumalo sa pagdinig.

Nang hanapin ng tagausig ang counter affidavit ni Rama sa kanyang abogado, wala itong maisumite kaya’t ipinagpaliban muna ng piskalya ang preliminary investigation

Sinabi naman ni Alcid sa panayam ng mga mamamahayag na nagpasya siyang ituloy ang kanyang reklamo dahil nais na rin niyang matigil na ang nararanasang pambu -“bully”, sa mga tulad niyang showbiz reporter sa oras na naglabas sila ng balita na hindi pabor sa mgaartista o talent manager.

Gayunman, handa pa rin aniya siyang tanggapin ang paliwanag at paghingi ng tawad ni Rama kung magiging taos sa puso nito ang mga ipapahayag sa kanya. Hindi naman aniya rin niya nais na magkaroon pa sila ng mahabang hidwaan ni Rama subalit kung magmamatigas ang talent manager ay handa siyang ipursige ang kaso.

Tumanggi naman ang abogado ni Rama na magsalita o magkomento kung bakit hindi sila nakapagsumite ng kanilang kasagutan sa piskalya.

Itinakda naman ng tagausig sa Nobyembre 9 ng alas-11 ng umaga ang susunod na pagdinig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply