Heart Evangelista ayaw pa ring pag-usapan ang kasalan sa ngayon!

KUNG sa isang lalaking pakakasalan, wala nang mahihiling pa si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero. Pero, malayo pa ngang mangyari ang anomang kasalan sa dalawang bago pa lang nagkakarelasyon. Sang-ayon si Heart sa sinabi naming nasa right age na siya para magpakasal. Si Chiz naman ay nasa hustong gulang na rin at legally separated na.

Inamin ni Heart sa amin sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, kung saan ang singing portion ni Heart na sinalihan ay tungkol sa mga padalang Love Notes sa show, na in love siya ngayon. Laging masaya siya kapag kasama si Sen. Chiz dahil nakita raw niya rito ang sincerity sa lahat ng bagay, bukod pa sa napakasimpleng tao at seryoso sa kanyang mga ginagawa.

First time naming nakausap si Heart na nagsalita siya tungkol kay Chiz. Kahit noon sa set ng Luna Blanca ay very careful siya sa mga pahayag niya.

Ngayo’y nagkomento pa siya sa kasalan. Na totoo ngang malayo pang mangyari dahil ngayon lang sila nagkaroon ng relasyon ni Chiz bilang magsyota.

Almost a year rin bago nagkaroon ng karelasyon si Heart pagkatapos ng biglaan nilang paghihiwalay ni Daniel Matsunaga na biglang lumipat ng TV 5 nang sila’y magkahiwalay. Si Daniel ngayon ay kasama sa Game N’ Go tuwing Sunday, kalaban ng show ni Heart na Party Pilipinas.

Nasabi ni Heart na enjoy muna niya ngayon ang pagiging girlfriend ng isang senador. Di siya sigurado na makakasama siya sa campaign sorties ni Chiz na lumalaban ng second term sa Senado dahil pagkatapos ng Luna Blanca na malapit na ring mag-end, may sisimulan na naman siyang bagong soap opera. Tiyak kakain ito ng malaking oras niya, paano pa siya makakasama kay Chiz?

Habang papatapos ang Luna Blanca, lalong nagiging kumplikado ang relasyon ng kambal. Bagong development ay inamin ni Luna na buntis siya kay Joaquin, na ngayon lang muling nagkamabutihan ang relasyon kay Blanca.

000

MUKHANG dadaigin pa ng anak ang ina sa career path ngayon ni Mayton Eugenio, ang anak ng sikat na dancer-choreographer ng Party Pilipinas na si Gelene Eugenio. Ang pinangarap noon ni Mayton na makatulad ng inang magaling mag-perform bilang dancer sa stage ay nagawa na niya sa Party Pilipinas. Kinikilala na ngayong top dancer ng Sunday show si Mayton. Ang advantage niya sa kanyang ina ay ang pagiging aktres. Ilang soap na ng GMA7 ang kanyang nalabasan na hindi naman basta-basta role lang kundi markadong lahat.

Latest na soap ni Mayton sa Kapuso network ay ang Magdalena bilang isa sa mga magpapahirap sa buhay ni Bela Padilla na siyang bida sa soap.

Kasama si Mayton ni Pauleen Luna na kakalaban sa lahat ng mabubuting ginagawa ni Bela.

Ani Mayton: “Kapag ganitong role, natsa-challenge ako. Nagagawa mo ang iba’t ibang emosyon kasi lagi kang nagagalit at mang-aasar.“

Pero sa totoong buhay ay tahimik lang si Mayton. Buhat nang bumalik siya sa Pilipinas two years ago na nagsimulang dancer muna sa Party Pilipinas, hanggang mapansin na may ibubuga sa pag-arte, hindi man lang siya nakipagrelasyon sa opposite sex. Gusto niyang tutukan ang kanyang career bago ang ibang bagay.

Inamin niyang bago siya umalis ng Pilipinas, may seryoso siyang karelasyon na taga-Ateneo de Manila pero aalis patungong Canada si lalaki para ipagpatuloy roon ang kanyang pag-aaral, naisipan tuloy ni Mayton na mag-aral rin sa Los Angeles, USA.

Dalawang course ang pinagsabay niya sa pag-aaral. Nag-iisa siyang nakatira sa isang townhouse. Inubos niya ang oras niya sa pag-aaral lang.

Pagkatapos niyang mag-attend ng regular class sa Pierce Community College sa kursong Management, takbo siya sa regular class niya sa dancing sa Dancing Millenium Complex. Rito natuto nang husto sa pagsasayaw si Mayton na nagamit niya sa pagbalik sa Pilipinas bilang dancer-choreographer ng Party P.

Ani Mayton: “Hindi ako agad nakapag-artista nang pagdating ko, sobrang taba pa ako noon. Tawag nga sa akin sa Paty P ay Baby ni Gelene. Pero, ngayon marami nang nagugulat sa laki ng ipinayat ko. Discipline lang sa akin at exercise. Discipline sa pagkain.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply