Heart Evangelista, Chiz Escudero umamin na sa tunay na relasyon!

BAGAMAT bantulot si Heart Evangelista na magsalita tungkol sa inaming realasyon nila ni Chiz Escudero, malinaw na maligaya siya at mismong ang senador ang unang umaming sila na nga.

“Natutuwa ako, I am happy, at naging inspirasyon pala niya ako. As for me, I would like to keep quiet about this relationship. I realized that in my past relationship, because I went public about it, dami ng mga intriga. With this one, I would like to keep things private,” tanging sabi ni Heart nang kapanayamin tungkol sa kanilang relasyon ng senador.

Si Senator naman, very vocal about the issue.

During his last day as a special Kris TV guest co-host, the senator said he and Heart are already a couple, after much prodding from host Kris Aquino.

“We’re seeing each other. As far as I know, she’s not seeing someone else and neither am I,” Chiz said.

To make his statement clear, Kris further asked, “Is Heart Evangelista your girlfriend?”

Sagot niya, “I would like to think so, yes.”

The senator clarifies that he did not look for love but his new relationship came unexpectedly.

“Hindi ako naghanap. Dumating lang, siguro mas maganda yung ganoon. Kasi may kasabihan na kapag mas lalo mong hinanap, mas lalo mong hindi makikita. At kung hihintayin mong maging handa ka, hindi ring mangyayari iyon. Dumating na lang, hindi inaasahan,” Chiz said.

Chiz finds his relationship with Heart “very refreshing” because they come from different worlds – politics and showbiz. It was Senator Miriam Santiago who introduced them to each other.

“Walang kinalaman sa pinanggalingan ko, sa mundo kong ginagalawan ko ngayon, that’s very refreshing. Mahirap yung kakilala mo lahat. Maganda yung bago, walang kinalaman sa nakaraan mo, wala ka ring kinalaman sa nakaraan niya,” he said.

Chiz also sees Heart as his “sanctuary.”

“Walang kinalaman yung mundo niya sa mundo ko. Kaya kapag tuwing nagkikita kami, parang sanctuary siya. Hindi niya kailangang awayin yung mga umaway sa iyo, hiwalay iyon,” he said.

Salita pa ni Heart tungkol sa bagong boyfriend.

“Nakakatawa siya. He’s a very funny person. Pag dating sa mga serious matters, seryoso siya.

Pero kapag walang nakatingin, normal siyang tao, very down-to-earth, cowboy,” Heart said.

Tapos na raw siya kay Heart...

“Hayaan mo namang maging masaya siya kay Senator Chiz- -Jericho Rosales

Sa press launch ng latest album ni Jericho Rosales under Star Records, ipinaliwanag ng aktor kung bakit Korona ang title nito.

“For me, it’s an offering. The crown really belongs to Him. Everything that I do, everything that I receive, all glory goes to Him,” Echo explained.

“I share this album to all my followers and I offer it to God. It is His. We named the album Korona because he is the real King,” dagdag pa niya.

Ang album ay naglalaman ng seven all-original alternative OPM songs and among them, ang Paboritong Tag-ulan at Kasama Ka ang kanyang paborito.

Asked kung ano’ng song naman ang inaalay niya sa girlfriend na si Kim Jones, aniya, ang Paboritong Tag-ulan, which is also the carrier single of the album.

Natawa ang aktor nang matanong kung gusto niya rin bang maging leading lady ang kanyang GF sa isang future project at aniya, actually, nag-take nga raw ng acting workshop si Kim.

“Tapos na siyang mag-Tagalog (lessons), acting workshop, I think she’s taking singing lessons, but she’s open to it (acting). So, if there’s a role, ’di ba? We wouldn’t force it, though,” ani Echo.

Siyempre raw, gusto niyang makasama sa project ang girlfriend.

“At least, kahit once lang, makasama ko siya, ’di ba? Actually, she surprised me one time, may ginawa siyang monologue with matching tears and stuff.

“Kaya niyang umarte. But her heart is into hosting. She has two shows right now on ETC – I am Meg and Et cetera.”

Eh, ang kasal, hindi pa ba nila napag-usapan?

“Wala pa, well, mga kilig-kilig moments, ganu’n. Pero siyempre, seryoso ’yun, eh. I have to prove to her that you know, I’m worthy, that I’m responsible enough,” say ng aktor.

Asked kung kelan ba ang target date niya for marriage, secret raw muna dahil ayaw niyang mag-cause ng panic.

Samantala, natanong din si Echo tungkol sa naging encounter nila ni Sen. Chiz Escudero sa Kris Tv at napangiti ang aktor.

“Okay lang, it was a fun guesting for me, enjoy naman ako ro’n,” he said.

Pero, aniya, hindi niya talaga alam na nasa show rin pala ang senador since nu’ng last guesting niya last year, solo lang ni Kris Aquino ang show.

Masaya ba siya for ex-girlfriend Heart Evangelista kung sakaling totoong sila na ni Sen. Chiz?

“Oh, yeah. Wala naman akong ano ro’n, eh. Tapos na ’yung chapter ko, eh. It’s their time, parang ganu’n. Ever since naman, eh. It’s not the first time that it happened. It happened with Kristine (Hermosa).

“Sport naman ako, game ako riyan. I’m happy for them. Chiz is a cool guy. Relaxed siya ro’n, wala namang kung anu-anong awkward moment, wala namang ganu’n. Cute lang,” he said.

Okay na ba sila ni Heart?

“Once in a while, we see each other, pero we’re not in communication. I don’t think there is a need to communicate. Of course, I wish her well.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply