Hiling ng DFA ibinasura ng Comelec

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palawigin ng isang buwan ang pagpapatala para sa mga Overseas Absentee Voters o OAV.

Sa botong 4-2, hindi pinagbigyan ng Commission en banc ang hiling ng DFA.

Pabor naman sina Comelec Chairman Sixto Brillantes at Commissioner Lucineto Tagle na palawigin ang OAV registration.

Ngunit ayon kay Brillantes, nanaig sa botohan ang pananaw na dahil hindi na palalawigin pa ang pagpapatala ng mga local voter, ay hindi na rin dapat pang palawigin ang OAV registration.

Kaugnay ng OAV registration, batay sa pinakahuling tala mula sa DFA, umaabot na sa 950,000 ang bilang ng mga nagparehistro para sa OAV.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply