‘Hindi ko tinawag na traydor si Recto’ – Henares

HINDI ko tinawag na traydor si Recto.”

Ito ang mariing ipinahayag ni BIR commissioner Kim Henares makaraang lumabas ang isyu na siya ang nagsabing trinaydor sila ni senator Ralph Recto kaugnay sa sin tax bill.

Ayon kay Henares, base sa kanyang pahayag sa mga naunang panayam na possible siyang ma-disappoint at wala siyang binabanggit na personal na batikos kay Recto.

Kampante pa rin si Henares na maisusulong pa rin ang  Sin tax bill kahit umatras na si Recto sa pagsusulong sa nasabing batas.

Aminado si Henares na kahit tumaas ang presyo ng sigarilyo at alak ay marami pa rin ang bibili nito dahil sa mentalidad na habang ipinagbabawal ay lalong nai-engganyo ang mga consumer na bumili.

Samantala, nilinaw ni Henares na karapatan ni Recto ang anumang hakbang na gagawin nito kabilang na ang pagbibitiw niya bilang chairman ng Senate committee on Ways and Means.

Naunang sinabi ni Recto na hindi na niya nakayanan ang kaliwa’t kanan na pressure sa sin tax bill kaya nagbitiw na siya bilang chairman ng Senate committee on ways and mean na humahawak ng lahat ng panukalang buwis.

Sa kanyang privileged speech nitong Lunes, sinabi ni Recto na hindi nya makayanan ang pressure mula sa miyembro ng Gabinete na dapat katulong niya sa paglikha ng batas para sa bagong buwis na siyang bumabatikos pa sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply