Hindi makulit, hindi mapilit

LAMAN ng mga kontrobersyal na balita ngayon si Congressman Teodorico T. Haresco. Naglabas s’ya ng hinaing tungkol sa diumano ay pag-iimbestiga ng Senado sa mga “malilinis” na kontrata samantalang ang mga kahina-hinalang mga proyekto ay napoproteksyunan.

Pero hindi muna natin tatalakayin ang isyu na ‘yan ngayon. Hindi pa nakasasagot ang Senado sa mga hinaing ni Cong. Antayin muna natin ang development.

Pero hindi ngayon lang nalagay sa kontrobersiya si Cong. Haresco dahil nga kinatawan siya ng Kasangga Partylist na isa sa mga pinag-iinitan ng COMELEC sa isa pang isyu tungkol naman sa Partylist system natin. Naniniwala ako na pamilyar ang pangalan ni Haresco sa marami sa atin, dahil nga sa lagi siyang nasa balita ngayon.

Pero sino ba si Congressman Haresco? Ako, hanga ako sa kanyang track record na sa aking palagay ay mas mahalaga.

Kung sisilipin n’yo ang background ni Cong. Haresco sa website ng Congress sa www.congress.gov.ph/members mapapansin na ang mga Committee na kinabibilangan ni Cong. halos lahat ay may kinalaman sa ekonomiya. Dahil yan ang expertise n’ya.  Si Cong. Haresco ay isang “entreconomics”, isang salita na binuo para tukuyin ang isang tao na magaling sa usapin ng ekonomiya at pagnenegosyo.

Sa panahon ngayon, alam ni Cong. na sa gitna ng kung ano-anong isyu, mas mahalaga pa rin sa tao at sa mga botante ang kung paano sila matutulungan at magagabayan ng isang mambabatas.

Kung lalaliman natin ang pananaliksik, malalaman natin na sa kabila ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng isang mambabatas, may makikita tayong mga impormasyon tungkol sa kung anong klaseng tao talaga siya at kung ano ang magagawa niya sa bayan.

May isa pang bagay tungkol kay Cong Haresco na mas makatawag pansin.

Hindi s’ya makulit. Hindi mapilit. Dahil din siguro sa isyu ng Partylist  system, mukhang nagkakagulo sa Kasangga Partylist mismo kung saan si Cong ang Representative.

Pero gaya ng isang tao na may kumpiyansa sa sariling kakayahan, hindi sya nagpipilit, hindi s’ya nangungulit.

Kung hindi siya pwede sa Kasangga, maghanap ng ibang paraan para makapagsilbi sa bayan.

Noong isang linggo, nag-file si Cong Haresco ng Certificate of Candidacy para maging kinatawan ng solong distrito sa Aklan. May tsismis na mayaman na-man si Haresco, dahil nga siya ay lehitimong negosyante.

Isa siya sa mas mayayaman sa Kongreso at may kakayahan siya na personal na panagutan ang mga sinasabing gastusin sa isang kampanya na hindi kailangan pagsamantalahan ang kaban ng bayan. Pero may pera man sya o wala, may tawag ako dito – DELICADEZA. Political delicadeza. Kahit si Cong Haresco ang tumayong kinatawan ng Kasangga Party-List, handa syang talikuran ito para lang iwasan ang away at gulo at delicadeza ang tawag dito. Kaya nga hindi na nya ipipilit ang sarili nya sa Kasangga sa halip ay tatakbo sya bilang Kongresista sa Aklan kung saan marami sa kanyang kababayan ang mas nakakakila sa kanyang kakayahan at naniniwala sa pag-unlad na kanyang magagawa.  Email me your comments and suggestions sa ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply