Hired killer patay, 2 pulis sugatan sa granada

DEAD on the spot ang isang sinasabing hired killer habang dalawang pulis naman ang malubhang nasugatan ng sumambulat ang granadang hawak ng suspek kasunod ng nangyaring habulang mula sa isang police check point sa lungsod ng Iloilo.

Ayon kay Police Regional Director Agrimero Cruz Jr, patay sa pagsabog ang suspek na si Gelbie Principe y Panafiel alyas Biboy ng Barangay Iwa Macatol, Pototan, isang notoryus na miyembro ng robbery hold up
gang, gun for hire, at may limang standing warrant of arrest sa kasong murder.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/Dir Cruz, naganap ang insidente bandang ala-1:00 ng madaling-araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Iloilo City Oilice Station 3  malapit sa West Visayas State University Medical Center sa may E. Lopez St. at Jalandoni St, Jaro, Iloilo City.

Base sa report na isinumite ni P/Chief Insp.  Gilbert Gorrero, hepe ng Jaro Police Station sa tanggapan ni Cruz, sugatan sa pangyayari sina PO3 Fidel Mosqueto na nagtamo ng major injuires sa dalawang hita
habang nahagip din ng shrapnel ang binti ni P01 Christian Lava.

Ayon kay Gorrero, pinara ng mga pulis ang suspek habang sakay ng isang TMX Motorcycle subalit bigla nitong pinasibad ang motorsiklo at pumasok sa isang apartment sa Del Carmen Barangay
Fatima at nagtago sa loob ng comfort room.

Ayon sa hepe, kinausap ng mga pulis ang suspek para sumuko at pumayag naman ito subalit nang binuksan na nito ang pinto ng CR ay saka sumabog ang granada.

Sinabi ni Gorrero na hindi alam ng kanyang mga tauhan na may dalang granada ang suspek.

Narekober pa mula rito ang isang .45 caliber pistol na may tatlong magazine at P29,000 na cash at kutsilyo bukod pa sa motorsiklo na walang plaka.

Sa pagsisiyasat ng PNP SOCO possible umanong hawak na ng suspek ang granada habang tumatakbo ito at maaaring natanggal ng safety pin nito at  nang binuksan ang pinto ay lumuwag ang pagkakahawak kaya’t sumabog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply