Hirit na fare increase, iniurong ng transport group

IUURONG muli ng mga transport group ang kanilang hirit na fare increase sa mga pampublikong sasakyan.

Ang pag-atras ng grupo ay bunsod sa nakaambang bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo dahilan na rin ng pagbaba ng presyo ng mga inaangkat na langis.

Ayon sa Department of Energy (DOE), P2.30 ang inaasahang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina habang P1.40 naman sa kada litro ng diesel.

Una nang nag-anunsyo ang kumpanyang Flying V ng kanilang rollback na aabot sa P1.50 sa kanilang premium at unleaded gasoline habang P1.00 naman sa kanilang biodiesel ngunit wala namang gagalaw sa presyo ng kanilang regular gas at kerosene

Matatandaan na humihirit ng P10 minimum na pasahe sa jeep mula sa kasalukuyang P8 ang anim na transport group.

Sabay-sabay na ipinasa ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Pasang Masda Nationwide Inc. (Pasang Masda), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), LTOP at Transporter ang kanilang petisyon upang magtaas-pasahe, kasunod nang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Magugunita na hinihiling ng mga transport group na habang dinidinig ang kanilang petisyon ay ibalik na muna ang P8.50 minimum fare sa jeep.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply