Hirit ni CGMA na hospital arrest, Malakanyang hands-off

HANDS- OFF ang Malakanyang sa naging hirit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na payagan siyang muling sumailalim sa hospital arrest.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bahala na ang Sandiganbayan na magdesisyon sa bagay na ito.

“As we have said in these cases, we merely implement also the orders of the court,” ani Usec. Valte.

Sa kabilang dako, naniniwala naman ang Malakanyang na kailangang i-beripikang mabuti ang medical o health condition ni Mrs. Arroyo bago naman ito payagan na manatili ospital at payagan na makapagpagamot sa ibang bansa.

“The last discussion that we had sometime back was about still when there were several allies of hers that were saying that she needed treatment abroad. That was the last discussion that we had,” aniya pa rin.

Resesoblahin bukas, (Oktubre 10) ng Sandiganbayan ang nakabinbing apela ng dating pangulo Arroyo para ito ay manatili sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Sinabi ni Sandiganbayan spokesman Renato Bocar, hangga’t wala pang resolusyon ang korte sa nasabing kahilingan, ay mananatili muna sa ospital ang dating pangulo.

“Any movement or transfer of the former president from her current place of detention must be coursed through the Sandiganbayan,” ani Bocar.

Nauna nang sinabi ni VMMC Dir. Nona Legaspi na maari nang makalabas ng ospital ang pasyente matapos itong ma-confine noong nakaraang linggo.

Sa ulat, si  Mrs. Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tinuran pa ni Atty. Bocar na sakaling walang pagtutol sa panig ng prosecution, maari umanong ipag-utos ng anti-graft court na manatili sa hospital confinement ang dating pangulo, sa halip na ilipat ang regular na kulungan.

“If the prosecution does not oppose, then in open court the Sandiganbayan can order the continued confinement at the VMMC,” aniya pa rin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply