Hirit ni GMA na hospital arrest haharangin

WALANG special treatment na gagawin habang dinidinig ang kasong plunder at mananatili sa regular na kulungan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Special Prosecutor Diosdado Calonge, haharangin nila ang petisyon ni Arroyo na manatili ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kahit pa iginiit ni Defense Lawyer Maria Rosario Del Rosario na masyadong maselan ang kalusugan ng 64-anyos na si Gng. Arroyo para ilagay sa isang regular na kulungan.

Matatandaang inihayag ni Sandiganbayan Spokesperson Renato Bocar na pinayagan nilang manatili muna sa ospital si Arroyo habang nakatakda pang talakayin ng anti-graft court ang petisyon nito para sa hospital arrest.

Sakaling walang pagtutol sa nasabing apela, maaaring ipag-utos ng Sandiganbayan na manatili sa hospital confinement ang dating Pangulo.

Sa Huwebes, nakatakdang resolbahin ng Korte ang naturang apela ni Ginang Arroyo habang sa Oktubre 15, itinakda na ng korte ang arraignment laban sa kanya at sa iba pang akusado sa PCSO fund scandal

Samantala, ibinasura lamang ng Pasay RTC branch 112 ang motion for reconsideration ng Comelec na kumukwestyon sa pagpayag ng korteng makapagpiyansa sa kasong electoral sabotage si Arroyo.

Sinabi ni Felda Domingo ng Pasay RTC branch 112, ikinatwiran ni Judge Jesus Mupas, na wala namang bago sa argumento ng Comelec para bawiin nito ang una ng naging desisyon sa petition to bail ni Arroyo noong Hulyo 25
.
Partikular na sa akusasyon ng Comelec na may isyu ng conspiracy sa pagitan nina dating election supervisor Lintang Bedol at dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr. na hindi napatunayan ng kanilang testigo na si Norie Unas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply