Hiro Magalona, niloloko ng sariling pamilya!?

ISANG binatilyong padaan-daan lang sa harap ng aming bahay na tinutuluyan sa Ilang-Ilang St. San Pedro 9 Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Junnel Peralta, pala ang kanyang tunay na pangalan at natatandaan namin noong nakaraang taon may isang binatilyo na hindi hindi namin kilala ay kabit bahay pala namin. Gwapo at walang itulak-kabigin, talagang pwede siyang maging isang artista.

May katagalan din kaming wala sa naturang lugar at sa aming pagbalik ay malaki na si binatilyo at mismo kami ay nakaranas ng tulo-laway sa tuwing nakikita namin si bagets. Siya pala si Hiro Magalona na kilala ngayon sa programa ni German Morenong Walang Tulugan.

Sa totoo lang, hindi namin siya kilala nang personal. Na kahit kami’y nagkakasalubong ay hindi kami nagbabatian o kahit ngiti ay hindi rin namin siya mabigyan dahil ayaw naming may masasabi siya o baka isipin niyang na- babastos namin siya.

Nang pumasok siya sa programa ni German, ay mabilis siyang hinawakan o minanage ng aming katotong si John Fontanilla. Dumating ang sandaling muli kaming nagbalik sa subdivision na rati naming tinitirhan at laking gulat namin na si bagets ay marunong ng ngumiti sa mga nakasasalubong nya (na feeling namin ay nalaglag ang aming suot na brief ng araw na yun…Hahaha!).

Heto ang malupit, ayon sa aming source na rating kasa-kasama noong nag-uumpisa pa lang si bagets sa pag-aartis ta, nagti-taping na raw ito sa Walang Tulugan at awang-awa raw siya kay Hiro dahil nanghihiram pa pala si Hiro ng sasakyan para makarating sa mga lakad nito o appointment.

Kapag may taping sa ‘Walang Tulugan’, kwento sa amin ng aming source, naawa raw siya kay Hiro dahil ang maliit na kinikita nito na mula sa sariling bulsa ni German Moreno ay nahihingan pa raw ng 10% percent ng tiyahin at ng kanyang tiyuhin.

Sa sumatutal, 20% percent ang nakakaltas ng kanyang mga kamag-anak. Pa’no kung isang libo (1,000.00) lang ang ibinibigay ni German Moreno kay Hiro at kukuha pa rin ang kanyang Business Manager ng 30% percents bale 50% percents na lang ang natitira kay Hiro.

Arayyy Ko! Heto pa ang siste, sa 50% percent na naiiwan kay Hiro ay humingi pa ang kanyang ina ng another 50%. Diyos ko po! Panginoong mahabagin! Ano na ang matitira?

E, di kapag limang daan, bale two hundred pesos na lang ang natirang sweldo ni Hiro.

Tanging nabanggit na lang namin sa aming kausap na sana, huwag na lang pag-artistahin ‘yung bata kung ganito lang naman ang kauuwian ng kanyang mga pinagpupuyatan o pinagpapaguran.

Nabanggit pa rin ng aming source na ayon diumano kay Hiro, gusto daw nitong magkaroon ng pangalan sa showbiz upang matulungan nito ang kanyang mga magulang dahil hindi naman kagandahan ang takbo ng kanilang kabuhayan sa mga panahong ito.

Nabanggit pa rin namin na hindi siya makakaipon kung merong mga taong nakapaligid sa kanyang hindi malaman kung siya ang tinutulungan o sila ang tinutulungan ni Hiro.

Ang mabuti pa siguro, layasan na lang niya o humiwalay siya sa kanyang mga kaanak o magulang at manirahan na lamang siya sa maliit na kwarto. Tutal parang nag-iisa naman siya sa ngayon kahit doon pa rin siya sa kanyang Lola nakatira ay napupuntahan pa rin siya ng mga ito. Baka kung gagawin niya ito ay maari na siyang makaipon.

Tutal lalaki naman siya at kahit mag-isa ay kaya na niya sigurong magtaxi ng nakatitipid at kung talagang gusto mong kumita at makatulong, e magtinda ka na lang ng kamatis sa palengke baka sakaling dun kumita ka pa. Hahaha!

Sa mga magulang ni Hiro, ipagpatawad po ninyo ang aming naipayo kung saka-sakaling makita o mabasa ito ni Hiro. Pero nasa kanya naman ito kung susunod sya sa aming panukalang ito.

Sa puntong ito, sana minsan magkaroon kami ng pagkakataong makaharap o makausap ang kanyang mga kamag-anak upang makuha namin ang kanilang panig at ng maliwanaqan kung ano talaga ang bumabalot sa problemang nakaatang sa balikat ni Hiro Magalona.

Text n’yo lang kami sa aming cellphone number (09398642259) para po mabigyan ng linaw ang lahat ng ito. Wala pong personalan, trabaho lang ito. Maraming Salamat!!!

****

Mamu, sa ayaw at sa gusto mo… Happy Birthday!

ANG sikat na may ari ng Library Music Bar at talent manager na si Andrew De Real a.k.a. ‘Mamu’ ay magdiriwang ng kanyang ika-labing walong (18) taong kaarawan (Hahaha!) sa darating na October 17, 2012.
Siyempre umaatikabong kasiyahan at tiyak na babaha na naman ng mga inumin at mabubusog ang lahat sa mga masasarap na pagkain.

Sabi ng nagtsika sa amin, actually hindi naman nag-iinvite si Mamu kapag dumarating ang kanyang kaarawan.

Alam na kasi ng lahat na pag buwan ng October ay nakahanda na ang lahat ng kanyang mga kaibigan at kahit hindi ito tawagan o itext ay talagang dumarating.

Si Andrew ‘yan at hindi siya baguhan o hindi sya yung kahapon lamang nakilala sa larangan ng showbiz at lahat ay kanyang pinakikibagayan, kilala ka man o hindi basta’t lumapit sa kanya ay di ka magda-dalawang salita.

Kaya nga lagi siyang binibiyayaan ng ating panginoong JESUS dahil na rin sa kanyang kabaitan. Marunong siyang kumilatis ng uri ng taong nangangailangan kaya ganon na lamang karami ang mga blessing na dumarating sa kanya.

Mamu, sa ayaw at sa gusto mo…ang buong pamunuan ng bagong Toro at Remate ay bumabati sa’yo ng happy birthday.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply