Holdaper arestado ng mga kapitbahay ng biniktima

KULONG ang isang holdaper matapos habulin ng kapitbahay ng biniktima sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Loreto Arcilia, 29, ng Tawid Sapa, San Agustin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw, nagpanggap na bibili ang suspek sa tindahan ni Julie Bailoca, 60 sa Llano Road. Llano at nang masigurong walang kasama ang bibiktimahin ay naglabas ng patalim bago nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang dalawang cellphone at cash na P4,000 ng biktima bago tumakas subalit nakita ng saksing si Randy Valenzuela na naging dahilan upang humabulin.

Nang maaubutan ay nagbuno ang suspek at saksi hanggang sa makagat ng saksi ang kanang kamay ng suspek na hindi na binitiwan hanggang sa saklolohan ng mga kapitbahay na naging dahilan upang pagtulungan si Arcilia.

Nabawi naman ang mga tinangay ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply