Holiday samantalahin para makapagparehistro

HINIKAYAT ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na samantalahin ang holiday bukas (Biyernes) upang makapagparehistro para sa midterm polls sa May 13, 2013.

Ayon kina Comelec chairman Sixto Brillantes, Jr., at spokesperson James Jimenez, kahit holiday ay mananatiling bukas ang mga tanggapan ng Comelec sa buong bansa bukas.

Ito’y upang bigyan ng pagkakataon na makapagparehistro ang mga botante na hindi pa nakakapagpatala para sa eleksiyon.

Matatandaang ang Oktubre 26 ay idineklarang regular holiday ng Malakanyang bilang paggalang sa Muslim celebrations na Eid’l Adha o “Feast of Sacrifice.”

“Comelec offices will be open for voter registration tomorrow (Friday). Yes, even tho it is a holiday. #ThatIsHowWeRoll #NOEXCUSES pls RT#iwillvote,” tweet pa ni Jimenez.

Samantala, sinabi rin ni Brillantes na hindi na nila palalawigin pa ang registration period.

Ayon kay Brillantes, pagsapit ng 5:00 ng hapon sa Oktubre 31 ay pormal na nilang isasara ang kanilang mga tanggapan kahit marami pa ang hindi nakapagpaparehistro.

“The deadline as we have announced 16 months ago will be Oct. 31, 2012 at 5pm. There will be NO EXTENSION,” tweet ni Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply