Honasan dedma sa panibagong ‘kudeta’ vs JPE

AYAW nang patulan ni Senador Gringo Honasan ang panibagong usaping sa kudeta laban kay Senate President Juan Ponce Enrile (JPE).

Sinabi ni Honasan na nananatiling buo ang kumpiyansa ng mga senador sa liderato ni Enrile at walang dahilan para alisin ito sa puwesto.

Ayon pa kay Honasan, itinatanggi naman ng mga senador partikular ni Senador Frank Drillon ang nasabing pagpapaalis kay JPE sa pwesto kaya’t dapat umanong paniwalaan ang mga ito.

Dagdag pa ni Honasan, walang usapin ng kudeta ang napag-usapan sa pagdalo niya sa imbitasyon ng Pangulo Noynoy Aquino sa Malakanyang para sa isang salo-salo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply