Hospital arrest kay GMA oks sa Malakanyang

HINDI pinalagan ng Malakanyang ang naging desisyon ng Sandiganbayan na isailalim sa hospital arrest si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“We respect the decision of the Sandiganbayan on the matter of CGMA’s requested hospital arrest,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Nauna rito, pinayagan ng Sandiganbayan ang dating lider na manatili sa hospital arrest sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Naua rito, hindi na rin tumutol ang panig ng prosecution sa naturang kahilingan ng dating Pangulo na ngayon ay nahaharap sa hiwalay na kasong plunder.

Sinabi ni anti-graft court spokesperson Atty. Renato Bocar, kabilang sa mga kondisyon na ipinataw ng First Division sa ipinalabas na resolusyon ngayong tanghali, ay kailangang manatili lamang sa VMMC ang pasyente at mahigpit na ipinagbabawal din ang anomang uri ng panayam sa kaniya ng media.

Sa ulat, si Gng. Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Naipagpaliban ang arraignment nito dahil na rin sa abiso ng mga doktor bunsod ng maselang medical condition ng dating lider.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply