Hospital arrest kay GMA pinayagan ng Sandigan

(UPDATED) MANANATILI sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos payagan ng Sandiganbayan First Division ang hirit nitong hospital arrest.

Sa ipinalabas na resolution ng Sandiganbayan ngayong umaga, pinayagan ang hospital arrest sa dating Pangulo kung papayag ito na manatili sa VMMC at sagot nito ang lahat ng gastusin.

Kabilang din sa kondisyon, ang Philippine National Police ang may kontrol sa mga bisita ng kongresista.

Makagagamit lamang ng anomang uri ng komunikasyon si Ginang Arroyo gaya ng telepono at internet kung may pahintulot ang Police Security and Protection Group (PSPG).

Papayagan lamang ang media interview kung may pahintulot at clearance ng korte.

Ayon sa Clerk of Court, pinagbigyan ang hirit ng dating Pangulo na manatili sa VMMC kasunod na rin ng unang pahayag ng Ombudsman na payag sila na ma-hospital arrest ito sa isang government hospital.

Si Ginang Arroyo ay nakadetine sa VMMC mula nang magpalabas ng arrest warrant ang anti-graft court laban sa kanya at siyam na iba pa kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa October 29 naman ang arraignment sa kasong plunder laban sa dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply