Hulang magkatotoo kaya?: Chiz iiwan din sa ere ni Heart

MATAPOS umamin, katakut-takot na batikos ang tinatanggap sa ngayon ng magdyowang Heart at Chiz. The intrigues center on the reason na may tatak daw bilang girlfriend na nang-iiwan sa ere si Heart.

Oo nga naman, maraming magkakasunod, o ilan nga ba, ang iniwang lumuluha ni Heart? Kumbaga, may nagsasalitang ganyan rin daw ang gagawin Heart sa kasalukuyang ka-on niyang si Senator Chiz Escudero.

“May history na kasi si Heart na siya ang nang-iiwan ng boyfriend,” ayon sa isang reporter. “Kumbaga, serial boyfriend dumper siya. Nagsimula ‘yan kay John Prats noong teenagers pa sila sa ABS-CBN. She realized raw na puppy love lang ‘yun. This was followed by Jericho Rosales, na iniyakan siya after she obeyed her parents na ayaw kay Echo. Then by two non-showbiz boyfriends from the prominent Delgado family and the Dy family ng Isabela. Pinakahuli si Daniel Matsunaga na umiyak rin sa kanya after she left him dahil she realized raw na sobrang rami ng cultural differences nila. So, nanganganib si Sen. Chiz na baka hindi magtagal ang relationship nila’t pagsawaan rin siya ni Heart later on and dump him also lalo na nga pag na-realize nitong malaki ang age gap nila.

Si Heart ay 27 lang habang si Sen. Chiz ay 43 na.

Also, ready na ba siyang maging madrasta ng kambal na anak ni Senator? But definitely, as of now, makatutulong siya sa candidacy ni Senator for re-election, lalo na kung sasama siya sa campaign sorties nito for free.

***

Now a GMA 7 artist again…
LT bolts out of TV5

LUMAYAS na nga si Lorna Tolentino sa TV5 at pormal na pumirma siya sa GMA Network. Pero ayon sa aktres, tatapusin muna niya ang participation niya sa “Artista Academy” at “Third Eye” matapos niyang magpaalam ng pormal kay Perci Intalan ng Kapatid Network.

Wala nga lang siyang alam kung alin sa dalawang network ang nagbigay ng mas mataas na talent fee dahil ipinaubaya niya ’yon sa manager niyang si Lolit Solis.

“Hindi naman nalalayo sa Channel 5. Pero halos kapantay nito! Ha!Ha!Ha!” sey ni Manay Lolit na present rin sa contract signing.

Two years ang kontrata ni LT sa Kapuso na huling napanood sa shows na Sugo at Startalk. Lahat ng klaseng shows ay pwede niyang gawin except showbiz oriented talk show.

“In fairness kay Lorna, nagsabi siya noon nang mamatay si Daboy, ’yung nakiramay sa kanila noon, ’yung stars na nagkaroon ng issue sa Startalk. Inintriga namin. Kaya nga sa kontrata niya sa Channel 5, walang talk show. Kahit anong talk show!” sabad ni Manay.

“Walang showbiz-oriented talk show. Cooking show puwede! Gusto mo kasama ko pa si Chef Logro. Natutuwa ako sa kanya. Pinanonood ko siya!” sey ni LT.

Ano ang experience niya sa GMA na hindi niya makalilimutan upang balikan niya ang dating katrabaho?

“Ang experiences ko is more of personal because… Alam naman nating lahat ng si Rudy, nagkasakit, rito siya. Hindi siya pinabayaan ang GMA. Ako rin, kahit alam nilang nagki-caregiver ako kay Rudy, talagang gumawa sila ng way kahit paano na hindi maaapektuhan ang pag-aalaga ko.

“’Yung pag-aalaga na ’yon, ’yung pagiging mapuso na pagtrato sa amin, sa pamilya namin particularly. ‘Yun ang hindi ko makalilimutan!” paliwanag ni Lorna.

Sa pagbabalik sa GMA, handa nang sumabak si LT sa pakikipagtrabaho sa iba nilang artista lalo na ‘yung maging naging bahagi ng Starstruck kung saan isa rin siya sa mga naging judge.

***

Dating male putatsing isa nang sikat na celebrity

MALAYO na ang narating ng bayarang male starlet.

Starlet no more si actor. Isa na siya sa mga pinakamalaki sa showbiz kung tutuusin. Kumbaga, halos narating na niya ang kanyang peak, to the point na kung nagtagumpay siya sa isang mataas na government position, baka yun na ang tuluyang maglilibing sa hukay ng kanyang madilim na nakaraan.

Yes, he was just a very simple Manileño noong araw. Walang pangalan, kumbaga. Dati lang siya kolboy na pasabit-sabit sa maraming bading sa showbiz.

Would you believe that he was at one point an inamoratto ng isang matabang komedyanteng bading and also a suki ng isang beautician na nakilala sa showbiz? Putatsing kumbaga.

But because he knew how to handle his connects, ayan nga, lumaki ang kanyang pangalan hanggang sa naging numero unong politician siya. Sad to say though na kumontra ang kanyang destiny at lagi siyang talunan sa political arena.

Nonetheless though, isa siyang malaking pangalan na hindi na kailangang lagyan ng clue kung sino siya, dahil nga kilala siya ng lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply